Sa panayam kay PRO 11 spokesperson Maj. Eudisan Gultiano, sinabi nito na nakabantay ang nasabing team para agad makaresponde sakaling may mangyayari.
Ayon kay Gultiano na isa sa tinututukan sa kasalukuyan ang probinsya ng Davao de Oro kung saan may limang bayan na ang nag abiso ng pre-emptive evacuation dahil sa patuloy na buhos ng ulan simula pa kagabi.
Sa ngayon wala pa umanong insidente ng landslide o pagbaha sa nasabing probinsya at wala pang nailikas na mga pamilya o indibidwal.
Pero, magpapatuloy pa rin ang pagbabantay nito hangga't makalabas na ng Davao Region si Bagyong Odette.
Photo: Police Regional Office 11