Brgy. Kapitan ng Santo Tomas, DavNor, pinasusumite ng ulat ukol sa isyu ng mga banana workers

Humihing si Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista ng isang komprehensibong report mula sa kay Agapito Ejalas, Punong Barangay ng Pantaron sa kung ano ang mga naging nagawang hakbang nito para resolbahin ang kaso ng mga banana plantation workers sa nasabing barangay.

Humihing si Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista ng isang komprehensibong report mula sa kay Agapito Ejalas, Punong Barangay ng Pantaron sa kung ano ang mga naging nagawang hakbang nito para resolbahin ang kaso ng mga banana plantation workers sa nasabing barangay. 


“Gusto nako mahibal-an kung unsa ang nahimo ni Kapitan Ejalas mahitungod sa isyu na gina-atubang sa mga banana workers diha sa Pantaron. Nganong hangtud karon wala man kini na solbar na problema? Dungag ana, gusto na ko mahibal-an kung usa ang mga concrete actions na gibuhat niya inubanan sa iyang konseho para matabangan kining mga trabahante sa sagingan na gipangtamas-tamasan lang ilang katungod,” sinabi si Mayor Evangelista. 


Ayon kay Evangelista, malaki umano ang hinahawakang responsilibidad ni Ejalas bilang isang barangay chairman dahil siya at ang kanyang mga opisyales ang first line of defense ng gobyerno. 


Dagdag ni Evangelista ang comprehensive report na hinihingi niya ang magiging basehan kung ano ang tulong legal na maibibigay ng kanyang administrasyon sa mga banana plantation workers na inalipusta na mga kapitalista. 


“Di pud ko musugot na istorya-istorya ra ang tanan. Hatagi ko ninyo og sakto na report na pirmado sa tanang opisyales diha sa Barangay Pantaron kay kini na isyu karon ra ko nasayud na dugay na diay ni. Unya gipasagdan ra ninyo ang mga trabahante diha na mag-antos, wala ninyo gi-asikaso bisag man lang paghatag og hinabang legal para ilang mabarugan ilang katungod,” ani Evangelista. 


Paliwanag ni Evangelista, kailangan ay bukas at pagsilbihan ni Ejalas ang mga apektadong banana plantation workers dahil dito unang tumatakbo ang mga tao.


Saklaw din aniya sa trabaho ni Ejalas ang pagpapatupad ng batas bilang “person in authority” sa nasabing barangay.


Tiniyak ni Evangelista na hindi niya isasantabi  ang kapakanan ng mga apektadong banana plantation workers mula sa Barangay Pantaron dahil hindi lang ito nangyayari sa iisang barangay.


Samantala, sinabi ni Municipal Administrator Atty. Elisa Evangelista-Lapina na kaya  gustong isabatas ni Mayor Evangelista ang regulasyon para sa operasyon ng saging sa bayan ng Santo Tomas ay dahil may mga iregulasyong nangyayari at pang-aabuso na pabor sa mga lokal at dayuhang kapitalista na hindi naman residente ng Santo Tomas. 


Isa na rito, ayon kay Lapina, ang mga pagyurak sa karapatang pangtao at iba pang karapatan ng manggagawa na dapat saklaw ng ordinansang hinihingi ng administrasyong Evangelista sa Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice-Mayor Gabriel Eric Estela. 


Dagdag ni Lapina, taong 2020 ng hingin ni Mayor Evangelista sa Sangguniang Bayan ang nasabing local ordinance sa Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni

Hon. Eduardo L. Llorente, DVM, vice-chaired ni Hon. Dario G. Romano kasama ang mga miyembro nito na sina:  Hon. Richard M. Languido, Hon. Cromwell S. Cocamas at Hon. Ronald P. Dimaya. 


Paliwanag ni Lapina, sa pamamagitan ng pagpasa ng ordinansa maproprotekhan ang mga Tomasinong banana growers laban sa price manipulation na pinapairal ng mga consolidators at higit sa lahat mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawa sa mga nasabing plantasyon sa saging. 


“Kung seryoso at handang pagsilbihan ng Sangguniang Bayan ang ating mga manggagawa sa plantasyon sa saging hindi magiging mahirap ang pagpasa ng local ordinance para sa mga Tomasinong small banana growers at banana plantation workers,” sinabi ni Lapina. 


Bagamat ina-antay pa ang magiging aksyon ng Sangguniang Bayan sa nasabing isyu, nakikipag-ugnayan na ang opisina ni Lapina sa iba’t-ibang sangay ng ahensya ng gobyerno para mabigyan ng tulong ang mga apektadong manggagawa.


Nakikipag-ugnayan na rin ang Santo Tomas LGU sa opisina ng Department of the Interior and Local Government (DILG),  National Labor Relations Commission (NLRC), Department of Labor and Employment (DOLE),  at Integrated Bar of the Philippines (IBP) para talakayin ang mga samu’t-saring isyu ng mga banana plantation workers.

Larawan:Santo Tomas MIO