Ayon sa kalihim ng DOH Francisco Duque 111 bagama't bumaba na ang mga kaso ng CoVID-19 ay kailangan pa ring mag-ingat ang publiko.
Dapat pa ding masunod ang mga health protocols, gaya ng pagsusuot ng face-mask at social distancing sa mga gathering o pagtitipon ngayong holiday season.
Kanya ring hinimok ang publiko na kung maaari pawang bakunado na ang mga bisita, at iwasan muna ang magsama ng mga bata sa mga okasyon.
Nananawagan ang Kalihim sa mga lokal na pamahalaan na magbahay-bahay sa kanilang lugar, para mabakunahan na ang lahat ng mga senior-citizen sa kanilang komunidad.
Ibinida ng kalihim ang mga hakbang nang pamahalaan na naging epektibo para mapababa ang kaso ng COVID-19.