10th ID, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU para bakunahan ang mga nagbalik loob na mga NPA

DAVAO CITY – Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng 10th Infantry Division sa mga local government units sa kanilang mga lugar na nasasakupan para mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng sumukong New People’s Army (NPA).

Ito ang inilahad ni 10th ID Public Affairs Officer Capt. Mark Tito sa isinagawang virtual AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing.


Ayon kay Tito na isa ito sa kanilang tinututukan dahil nais din nilang ma protektahan laban sa virus ang mga nagbabalik loob sa gobyerno na mga armado.


Siniguro ng opisyal na nabakunahan na ang mga unang sumuko na mga NPA nitong taon at target nila na mabakunahan ang lahat ng sumukong armado bago matapos ang taon.