Batay sa kanyang ulat kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sinabi ni PDEG Director Police Brigadier General Narciso Domingo, natagpuan umano ang droga sa inbound parcel sa interdiction operation sa Pairpaggs Center, NAIA Complex.
Napag-alaman na may kabuuang timbang na 54.93 kilo ang narekober na “crystalline substance” na isinilid sa mga plastic bag na itinago sa loob ng 16 na piyesa ng “pulley”.
Ani Domingo, naging ang matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga ahensyang kabilang sa NAIA- Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG).
Larawan mula sa PDEG