Iniulat ni Brigadier General Romeo Racadio, Commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, dineploy ng Naval Task Group Tawi-Tawi ang BRP Florencio Iñigo (PC393) nang matanggap ang distress call ng M/L Rihanna, na nagkaroon ng problema sa makina habang bumibiyahe patungong Taganak island noong Biyernes.
Sa inilunsad na search and rescue operation, nakipag-coordinate ang Philippine Navy sa Malaysian Navy na siya umanong humila sa M/L Rihanna mula sa karagatan ng Tagupi Island, Sabah patungong Tanjung Labian, Malaysia habang hinihintay ang barko ng Phil. Navy.
Agad namang isinakay ng BRP Florencio Iñigo ang anim na crew at 15 pasahero ng M/L Rihanna at hinila ang sirang lantsa patungong Lamion Wharf, Bongao, Tawi-Tawi.
Ani Racadio, nasa maayos na kalagayan ang mga pasahero pagdating ng mga ito sa Tawi-Tawi nitong Linggo (Pebrero 26).
Larawan mula sa Western Mindanao Command