Ito na ang ikalawang batch ng bakuna mula sa mahigit 2.3 million doses na inaasahang darating sa Pilipinas.
Napag-alaman na nasa mahigit 146 million doses na ng iba't ibang brand ng bakuna kontra COVID-19 ang naihatid sa bansa.
Muling hinikayat ng hepe ng National Task Force Against COVID-19 Strategic Communications on Current Operations Assistant Secretary Wilben Mayor ang publiko na makiisa sa ikalawang round ng Bayanihan Bakunahan sa Disyembre 15 hanggang 17.
Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Mayor sa mga frontline workers, local government units, at publiko na nakiisa sa unang bugso ng bayanihan bakunahan gayundin ang iba pang mga tumulong para maging matagumpay ang nasabing inisyatiba.
Ayon sa opisyal umabot na sa halos limampu't limang milyong katao na ang nabigyan ng first dose ng bakuna sa buong bansa na katumbas ng 71.8 percent ng target population.
File Photo: DOH 11