Ito ang pahayag ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Colonel Medel Aguilar sa anibersaryo ng CPP ngayong Lunes (Disyembre 26.)
Sinabi ni Aguilar, sa pagkamatay ng founding chair at itinuturing na “guiding light” ng CPP, ay nawalan ng “sense of purpose and direction” ang underground movement (UGM).
Ani Aguilar, matapos mamatay si Sison, nagkaroon ng breakdown sa linya ng komunikasyon sa pagitan ng CPP Central Committee at mga iba pang sangay ng kilusang komunista, kabilang ang NPA.
Dagdag ni Aguilar, isang “digital person” nalang aniya na nagtatago sa alyas na “Marco Valbuena” ang nagpapalabas ng mga “press release” ng CPP para iparating ang mga kautusan ng CPP Central Committee sa mga nasa ibaba.
Samantala, binalewala ng opisyal, ang kautusan ng CPP sa NPA na magsagawa ng “tactical offensive”, at sinabing isang paraan lang ito para mapigilan ang tuluyang pagkakawatak-watak ng grupo.