Ang House bill 4116 “Anti-Child Pornography and Online Sexual Exploitation Act," ay magpapataw ng parusang reclusion perpetua at maximum fine na 2 million pesos sa mga lalabag.
Naniniwala ang mambabatas na napapanahon ang nasabing panukala upang tugunan ang mahirap na sitwasyon na hinaharap ngayon ng mga kabataan.
Naging vulnerable ang mga kabataan laban sa mga sexual predators and sindikato na naglipanan sa mga online sites, ayon sa mambabatas.
Tinukoy din ni Vargas ang 2017 report ng United Nations International Children’s Education Fund (UNICEF) na sa bawat walo sa sampung batang-pinoy ay nanganganib na maabuso online.
Kung maisabatas umano ito magsisilbi itong legal weapon ng pamahalaan laban sa masasamang gawain.