Mga pulis sa Surigao del Sur, nakaligtas sa pananambang ng mga NPA

Nakaligtas sa pananambang ng mga teroristang New People’s Army (NPA) ang mga pulis ng Tago Municipal Police Station sa Surigao del Sur.

Batay sa ulat ng Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO) na nakarating sa Kampo Krame, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga pulis laban sa isang Luwino Mendiola na miyembro umano ng komunistang NPA, sa Barangay Libas Gua sa bayan ng San Miguel.

Nangyari umano ang pananambang ng pabalik na ng Police station ang mga operatiba ng  hindi nila nakita sa lugar si Mendiola sa Sitio Panunungan, Barangay Libas Gua.

Tinatayang aabot sa sampung miyembro ng NPA ang responsable sa ambush.

Dagdag pa sa report,inabandona umano ng mga pulis ang kanilang sasakyan at tinumbok ang Barangay Alba bago dumating ang mga rumespondeng pulis at militar nang  matunugan  na may marami pang nag-aabang sa kanila na mga armadong grupo 

Ayon sa mga awtoridad walang iniulat na nasugatan sa tropa ng pamahalaan.