Kinilala ang nadakip na si Mark Wienand, isang African national na dumating sa NAIA Terminal 3 dakong alas-12:30 sabado ng madaling araw.
Ikinasa ng mga otoridad ang kanilang operasyon batay na rin sa isang intelligence report na may dalang hinihinalang shabu ang naturang dayuhan.
Nakasilid ang mga nasabat na kontrabando sa dalawang maleta na ibinalot sa mga damit at selyado ng duct tape.
Nakuha rin sa possession ng dayuhan ang iba pang kagamitan tulad ng cellphone, wallet, baggage declaration, passport, vaccination card, at boarding pass.
Paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharaping kaso laban sa naarestong dayuhan.
Larawan mula sa Radyo Pilipinas