P20 excise tax sa kada kilo ng single use plastic bags, pasado na sa komite ng kamara

Aprubado na ng house ways and means committee ang panukalang batas na patawan ng excise tax ang mga single use plastic bags particular ang sando bags at plastic labo.

Sa committee hearing kamakailan, inaprubahan  ng lahat ng miyembro  ng komite ang 20 pesos na excise tax sa kada kilo ng single use plastic bags o ang house bill 220 at 1811.

Ayon kay senior vice-chair Mica Suansing, pumapalo sa 14 centavos ang excise tax ng bawat  isang plastic.

Tinatayang nasa mahigit P900 million ang inasaahang makokolekta ng pamahalaan sakaling ito at maisabatas.

Layon nitong mabawasan ang paggamit ng single use plastic ng hanggang 72 to 82 percent.

Sa katunayan ayon kay Suansing,  ito na ang practice sa ibang mga bansa gaya ng Hongkong, Cambodia, Malaysia, America, at Canada.

 Anya, kung tutuusin ay mas mura pa rin ang ipapataw na excise tax ng Pilipinas kumpara sa mga nasabing bansa.

Ang nasabing hakbang ay siyang inaprubahan ng mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Finance, Bureau of Internal Revenue (BIR); Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC).

Larawan mula sa Tabuk City PIO