Kamakailan ipinullout ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) sa merkado ang ilang fertilizer products sa Ilocos Norte dahil sa mga reports na natatanggap nito ukol sa mga pekeng pataba.
Napag-alaman mula sa FPA na ilan sa mga fertilizers na sinuri nito ay hindi umabot sa kinakailangang pamantayan batay sa pagsusuring isinagawa ng ahensya.
Nakatanggap din ang FPA ng mga ulat ng hindi rehistrado at pekeng pataba na ibinebenta sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang ilan umano sa mga ito ay naibebenta sa mas mababang presyo kaysa sa orihinal at rehistradong produkto.
Mayroon ding mga reklamo tungkol sa mga bag ng mga pataba na nakaimpake at may mga label tulad ng urea pero halo-halong pataba na ang laman.
Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista kanya ng naatasan ang mga regional offices nito upang matukoy ang pinagmumulan ng mga pekeng pataba.
Payo ng ahensya sa mga magsasaka na kailangang suriin mabuti ang mga patabang binibili mula sa mga supplier at alamin ang bawat detalye ng fertilizer kabilang ang mga markings at labels nito.
Photo from PIA