Namatay ang bagitong pulis na si Patrolman Mark Monge matapos tambangan ng NPA ang mga pulis at sundalong nagsasagawa ng humanitarian activitiy sa Barangay Mabuhay, Gandara sa Samar noong Sabado, Hulyo 16.
Sa flag raising sa Camp Crame Lunes ng umaga (Hulyo 18) nagpahayag ng pakikiramay si Danao sa pamilya ni Monge at kinilala ang kadakilaan nitong ginawa, kasabay ng pag-alay ng panalangin para sa biktima.
Ayon kay Danao, nakakasama ng loob ang ginawa ng mga rebelde na lumabag sa karapatang pantao.
Anya, tumulong lang naman ang kapulisan sa komunidad nang tambangan.
Muling pinaalalahanan ni Danao ang lahat ng mga pulis na nagsasagawa ng community outreach programs na laging maging alerto sa possibleng pananambang ng mga NPA.
Larawan mula sa PNP PIO