Ito ang naging tugon ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez ng tanungin kung babalik pa ba sa hapag ng negosasyon ang National Government at ang Central Committee sa pamumuno ni Jose Ma. Sison
Sinabi ng kalihim, nasubukan nang mas epektibo ang localized peacetalks na nagresulta sa pagbaba at pagsuko ng mga front commander gayundin ng mga tauhan nito
Anya, 50 taon na aniya ang nakalipas buhat nang simulan ang negosasyon sa mga komunista subalit nauuwi lamang ito sa muling pagpapalakas ng kanilang puwersa at pag-atake sa mga tauhan ng estado.
Sinabi naman ni National Security Adviser Secretary Clarita Carlos na gumagana pa din ang mga binuong Peace Council at ipinauubaya na nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung muling bubuhayin ang usapang pangkapayapaan sa National level.