Muling buksan ng komisyon ang pagpapatala ng mga bago, na de-activate o hindi naka-boto na mga botante, o maglilipat ng kanilang address o magbabago ng mga personnal information.
Sa inilabas na resolusyon ng Comelec, bukas ang tanggapan ng mga Election Officers para sa mga magpapa-rehistro, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, lunes hanggang sabado, kasama ang pista opisyal na tatagal hanggang ika-23 ng Hulyo.
Batay sa resolusyon, maaaring gawin ng Election Officer sa mas maluwag na lugar ang pagpapatala ng mga botante salig sa pag-apruba ng provincial election Supervisor at kumpirmasyon ng Regional Election Director.
Sa desisyon ng Comelec en banc pagsapit ng alas tres ng hapon ng Hulyo a-23 ililista ang pangalan ng mga naka-pila na magpapa-rehistro sa loob ng 300-meter radius ng registration area.
Sila lamang ang makakahabol na pwedeng makapagrehistro sa huling araw subalit kinakailangan nilang nandun kapag tinawag ng 3-ulit para ma-proseso ang kanilang aplikasyon.