Batay sa tala ng PDEA, sa nabanggit na bilang,10,410 pa ang hindi nalinis sa ilegal na droga.
Sa operasyon ng PDEA, nasa 6,248 drug suspects ang nasawi sa giyera laban sa illegal drugs ng pamahalaan mula 2016 hanggang April 30 ngayong taon.
Kabuuang 341,494 ang bilang ng naaresto sa 236,620 drug war operations mula ng magsimula si Pangulong Duterte sa kanyang panunungkulan .
Sa nasabing bilang, 15,096 drug suspects ang itinuturing na high-value targets.
Samantala, pumalo na sa P89.21 billion ang halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng PDEA.