PRO 12, nilinaw na 1 lang ang sugatan sa pagsabog ng bus sa Koronadal City Miyerkules ng tanghali

DAVAO CITY – Nilinaw ng Police Regional Office 12 (PRO 12) na isa lang ang sugatan sa nangyaring pagsabog na pampasaherong bus sa Koronadal City, South Cotabato Miyerkules ng tanghali (May 25).

Sa panayam  kay PRO 12 regional director Brig. Gen. Alexander Tagum, sinabi nito na ang tricycle driver lang na kinilalang si Joseph Rodolfo Valenzuela. 

Nagtamo ng sugat si Valenzuela habang nasa likod ang pinapasadang Tricycle nito nang sumabog ang bus bansang alas 12:20 ng tanghali sa tapat ng isang mall sa National Highway, Gen. Santos Drive, Zone 3. 

Ayon sa opisyal, agad nilang inalam ang balita tungkol sa ibang  lima na nagtamo ng sugat sa pagsabog mula sa mga pasahero ng sumabog na bus, pero nang kanilang beripikahin tumakbo lang umano ito sa mga doktor dahil sa nerbyos dala ng nasabing insidente. 

Sa ngayon, bumuo na ng investigating team ang kapulisan para tutukan ang nasabing terorismo na naganap sa nasabing lungsod.