Ayon kay Ungab, sa pamamagitan ng MDDA magtatag ng special development at administrative region na kikilalaning Metropolitan Davao na binubuo ng anim na syudad at siyam na munisipalidad.
Ang syudad na ito ay kinabibilangan ng Panabo, Tagum at Island Garden City of Samal sa Davao del Norte; Digos City sa Davao del Sur; Mati City sa Davao Oriental; habang ang siyam na bayan ay ang Sta. Cruz, Hagonoy, Padada, Malalag, and Sulop na pawang nasa Davao del Sur, Carmen sa Davao del Norte, Maco sa Davao de Oro, at Malita at Sta Maria sa Davao Occidental.
Positibo ang mambabatas na mas magpapalakas pa ng MDDA ang koordinasyon ng mga lungsod at munisipalidad pagdating sa pagpaplano, pagpapatupad at pagbabantay sa mga pangunahing programa at proyekto ng rehiyon.
Dahil dito, nagpasalamat si Ungab kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa MDDA Act dahil naghuhudyat ito ng pagbabago sa socio-economic landscape ganundin ang pag-unlad ng rehiyon.
Pinasalamatan din ni Ungab si Davao City Mayor Sara Duterte dahil isa ito sa kanyang mga inisyatiba bilang pinuno ng Metropolitan Davao Development Coordinating Committee (MDDCC), isang special committee sa ilalim ng Regional Development Council ng Davao Region.
Larawan: Isidro Ungab FB Page