Sa ulat ng hepe ng Police Regional Office (PRO) Brigadier General Bernard Banac na natanggap ng Camp Crame, 14 na labi ng mga biktima ang narekober sa Barangay Mailhi; 3 sa Bgy. Kantagnos, at isang bangkay natagpuan sa Brgy. Bunga, sa Baybay City.
Ang mga bangkay ay narekober Lunes ng hapon (Abril 11) matapos ang inilunsad na search and rescue operation na pinangunahan ng Baybay City PNP sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Joemen P Collado, kasama ang mga tauhan ng First Leyte Provincial Mobile Force Company, Bureau of Fire Protection, at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Patuloy na inaalam ang pagkakilanlan ng mga biktima.
Bukod sa 18 narekober na labi, dalawa ang unang iniulat na nasawi sa Baybay City Martes ng umaga.
Iniulat ng PNP, 6 na nawawala ang patuloy na hinahanap.
Larawan: PRO 8