Ayon kay Carlos, kabilang sa mga bibigyan ng security detail ng PNP ang mga incumbent na kandidato at yung may mga kumpirmadong banta sa kanilang buhay.
Anya, kanila na lang hinihintay ang report sa isinagawang threat assesment sa mga kandidatong humingi ng security escort.
Sinabi ni Carlos na limitado lang sa dalawang pulis ang kanilang ibibigay na escort sa mga kandidato na may approval ng Commission on Elections (Comelec).
Siniguro rin ng hepe ng PNP ang sapat na deployment ng pulis sa mga campaign rally upang magbigay seguridad.
Ang hepe ng pambansang pulisya General Dionardo Carlos