Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-init

Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng dry season o panahon ng tag-init sa bansa.

Iniulat ng PAGASA, tapos na ang panahon ng amihan o northeast monsoon kaya asahan na ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.   

Ayon sa Weather Bureau, ang mga pag-ulan sa bansa ay maiimpluwensyahan na ng easterlies o hanging nagmumula sa karagatang pasipiko.

Asahan na rin ng publiko ang mga localized thunderstorms.

 Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na ugaliing uminom ng maraming tubig upang makaiwas sa  heat strokes.