Negosasyon para sa 10 natirang kasapi ng Guerilla Front 3 na magbalik loob sa gobyerno, patuloy pa rin isinusulong ng 1001st Brigade

DAVAO CITY – Nagsasagawa na ngayon ng negosasyon ang 1001st Infantry Brigade sa mga natirang miyembro ng Guerilla Front 3 ng New People’s Army na gumagalaw sa mga boundary ng Davao del Norte, Davao de Oro at Bukidnon, para magbalik loob na sa gobyerno.

Sa isang press conference, sinabi ni 1001st Brigade Commander Brig. Gen. Jesus Durante III, nasa sampu na lang ang mga miyembro nito matapos sumuko ang 13 sa kanila sa tropa ng 60th Infantry Battalion dahil sa hirap at gutom dulot ng walang humpay na focus military operation ng kasundaluhan. 

Ayon kay Durante at hindi kaya pang makipaglaban ang mga natirang miyembro laban sa pwersa ng  kasundaluhan kaya kukunbinsihin na lang nito na sumuko upang magkaroon ng mapayapang buhay.

Nitong Huwebes (Marso 1), ipinrisenta sa publiko ang 13 na miyembro ng Guerilla Front 3 kung saan pinangakuan ito ni Durante matatanggap nila ang mga benepisyo na ibibigay sa kanila ng gobyerno.