Sa panayam ng Radyo Pilipinas Davao, sinabi ni DCPO Spokesperson Maj. Maria Teresita Gaspan na babantayan pa rin ang mga restbars para masiguro na nasusunod pa rin ang minimum public health standards sa loob nito.
Ayon kay Gaspan na nag-deploy na sila ng mobile at foot patrol para umikot sa mga lugar kung nasaan ang nasabing establisyemento.
Dagdag ng opisyal na hinihintay rin nito ang Executive Order mula sa lokal na pamahalaan para sa guidelines sa pagpapatupad ng mga health protocols sa lungsod.
Panawagan naman ni Gaspan sa publiko na sa kabila ng pagluwag ng restrictions, dapat pa rin sumunod ang mga tao sa protocols dahil hindi pa rin nawawala ang COVID-19 sa mundo.