AFP, siniguro ang seguridad ng publiko laban sa terrorist plot ng Hamas sa Pilipinas

Tiniyak ng hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) General
Andres Centino na patuloy na nagbabantay ang kasundaluhan laban sa anumang banta sa seguridad ng bansa.

Sinabi ng opisyal, nakikipag-ugnayan sila sa  Philippine National Police (PNP) kaugnay ng mga umano’y aktibidad ng Palestinian Terror Group na Hamas sa Pilipinas. 

 Matatandaan na ibinunyag ng PNP kamakailan na may isang Fares Al Shikli alias Bashir na nanghihikayat umano ng mga Pinoy  na may koneksyon sa mga Lokal na Terrorista para magkasa ng pag-atake laban sa Jewish Community sa bansa. 

Ayon kay Centino , wala naman silang nakikitang direktang banta sa seguridad sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Sinabi nito na sa ngayon ang seguridad sa papalapit na halalan sa buwan ng Mayo  ang kanilang tinututukan, lalo na ang peace and order sa mga tinaguriang election watchlist areas.

Ang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) General Andres Centino sa kanyang pagbisita sa kampo ng 1003rd Infantry Brigade sa Barangay Bunawan, Davao City kamakailan. Larawan mula sa 10th ID