Nasa kabuohang 12,503 na bagong pares ng sapatos at 1,826 bote ng sanitizers ang ibinigay ng SM City Davao, SM Lanang Premier, at SM Store sa DSWD 11 bilang bahagi ng Operation Tulong Express (OPTE) program ng SM Foundation.
Sa isang pahayag, sinabi ni SM City Davao manager Lester R. Tantoco na ito ang kanilang paraan na pagbabalik nito sa komunidad.
Nagpasalamat naman si DSWD 11 assistant regional director for administration Merlinda Paragamac sa SM Foundation dahil malaking tulong ang ibinigay nila para sa ilang mga nangangailangan nito.
Photo from SM DAVAO