Ito ang inihayag ni PRO 11 regional director Brig. Gen. Filmore Escobal sa panayam ng Davao Media.
Ayon kay Escobal na ito ang kanilang napag-usapan ng Commission on Election 11 kasama ang iba pang miyembro ng Comelec Campaign Committee, para masampahan ng reklamo ang mga kandidato lalo na ang paglabag sa physical distancing.
Ito'y matapos maobserbahan na karamihan sa mga taga-suporta ng mga kandidato ay basta na lang lumalapit at dumidikit sa kanila para makipag-selfie kung saan nawawala na ang physical distancing.
Sinabi ng opisyal na ito ang kanilang naisip na hakbang para hindi makalikha ng eksena sa panahon ng kampanya ng mga kandidato.
Umaapela naman si Escobal sa mga kandidato na sila na mismo ang magsabi sa kanilang mga taga-suporta na sumunod na lang sa mga health protocols dahil iginiit talaga ng Comelec na isang election offense ang paglabag nito.