Sa panayam kay Ateneo de Davao University Political Science Professor Ramon Beleno III, sinabi nito na sa taas ng rating ng pangulo, maari pa rin nitong mainpluwensyahan ang mga tao na iboto kung sinuman ang susuportahan nitong kandidato.
Ayon kay Beleno na marami pa ring mga local government officials na tapat sa pangulo at kung sinuman na bigyan ng basbas ay maaring suportahan di ng mga ito sa kani-kanilang mga balwarte.
Bagama't sinabi na ng pangulo na wala itong susuportahan sa mga Presidential Aspirants, naniniwala naman si Beleno na may susuportahan pa rin ito na kandidato dahil sa nakikita nito, may presidentiable itong ayaw na manalo.
Tingin nito na nagmamasid lang si Pangulong Duterte sa survey at kung aangat ang ratings ng kandidato na ayaw niyang manalo sa saka na ito magaanunsyo ng kanyang susuportahan.
File photo from Presidential Communications